Multilingual
Posted on Mar 05, 2009 under Work To Live | 20 CommentsNung Elementary ako nagbalak akong mag aral ng Mandarin (sa pagkakaimpluwensiya nila Shobe). Pero hanggang ngayon, Ni Hao Ma pa lang ang alam kong salita sa kanila. Ay, meron pa pala. Wo ai ni. Haha.
Nung High School naman binalak ko ring mag aral ng Italian. Nung mga time na yun kasi nangangarap akong tumira sa Italy. Pero syempre gaya ng Mandarin, hanggang balak lang yun. Mas inuna ko pa yung pagtambay sa loob ng kwarto ko. Ganun lang buhay ko dati eh, bahay-school-bahay. Napaka-exciting.
Nung college naman naisipan naming magkakaklase na mag aral ng French. Para daw maging multilingual na kami. Haha. Madami pa akong binalak na araling language. Isa na rin yung Nihonggo. Binalak ko yun nung nag apply ako sa isang Japanese Company sa Makati. Kaso di rin natuloy kasi di rin ako dun nagtrabaho.
Nagconference call kami kagabi nila Shobe. Nagkumustahan. Nagtawanan. Nagkulitan. Nag-asaran. Ayan. Asaran. Kapag gusto nila akong asarin, magsasalita na sila ng Mandarin para hindi ko maintindihan mga pinagsasabi nila. Tapos tatawa sila ng tatawa. Parang nakakaloko lang. Magkampihan lang kayong dalawang panget! Behlat kayo!
Ang dadaya naman kasi nila eh. Palibhasa pinanganak kasing mga Chinese. Pag sinabi ko sa kanila yun, mag-uusap naman sila using French. Ang saya di ba? Para akong ewan. Ang masasabi ko na lang, Fine fine! Panalo na kayo.
Hay. Wala pa akong alam na dialect. Lumaki ako sa Subic na Tagalog ang gamit kaya yun lang ang alam kong salita. Yung mga magulang ko, marunong mag Sambal at Bikolano. Pero teka, sabi sa wikipedia, “The term multilingual can refer to an individual speaker who uses two or more languages”. Kaya kong magsalita ng Filipino language at English. So meaning multingual na din ako. haha.
Inaasar kasi ako nila Shobe. Pero naisip ko lang, kung language lang naman ang labanan, marami din akong alam ah.
Fluent ako sa C# at VB. Pati na sa SQL. Marunong ako ng Java. Alam ko ring gamitin ang PHP (pero medyo limot na ibang syntax). Marunong akong mag JavaScript at VBScript. Kaya ko ring gamitin ang C++. Kahit Shell Scripting sa UNIX at Linux, marunong ako.
So ang masasabi ko lang, Shobe and Senyorita M, sino ngayon ang multingual?
Programming Language nga lang. haha. =)




