Siya at Ako
Posted on Feb 06, 2009 under It Hurts You Know! | 19 CommentsAlas diyes na ng gabi pero nasa opisina pa siya. Pagod na sa maghapong kakatrabaho – tatlong sunod-sunod na meeting, dalawang presentation, tatlong oras na brainstorming, isang oras na assessment.
Alas onse na ng gabi. Nagdesisyon ang grupo na ipagpabukas na lang ang natitirang gawain. Ayan, makakauwi na siya. Tuna sandwich na bigay ng kasamahan niya lang ang kinain niya sa buong maghapon. Pero mas gusto niyang matulog na lang.
Bye! Ingat ka ha. Pasok na lang sana tayo ng maaga bukas para sa implementation natin.
Ok, sige po. Ingat din po kayo. Sobrang antok na ako. Sumasakit na rin ulo ko eh.
Naku. Inom ka na agad ng gamot. Hindi tayo pwedeng magkasakit. Lalo ka na. Hihinto ang mundo ng [insert-her-company-here] kapag nag-absent ka.
Bandang alas dose na ng gabi nang makarating siya ng bahay. Nahirapan pa siyang buksan ang gate. Isa yun sa pinaka-ikinatatanga nya – ang pagbukas ng kandado sa gate. Nung makapasok na siya ng bahay, kumuha agad siya ng maiinom. Biglang may narinig siyang sumigaw mula sa hagdan.
Hoy! Bakit ngayon ka lang?! Asan na yung pagkain ko?!
Nag OT ako eh. Anong pagkain mo?
Bobo ka ba? Di ba tinext kita na magpadeliver ka ng kfc dito?!
Lowbat cellphone ko. *sabay talikod para umiwas sa napipintong pagtatalo*
Wag mo nga akong ginaganyan! *sabay bato ng hawak na tasa*
Shoot! Ayun. Tinamaan siya sa balikat. Ang galing, asintado! Oh hindi lang siya marunong umiwas? Di pa rin siya umimik. Pero nangingilid na yung mga luha niya.
Bakit ba ngayon ka lang umuwi?! Kanina pa kita hinihintay! Hatinggabi na ah!!
Sana nagpadeliver ka na lang pagkain mo. Naglowbat nga cp ko.
Puro kasi kalandian yang inaatupag mo! Gabi ka na umuwi alam mong walang magluluto ng pagkain dito eh!
*di kinaya ang salitang “kalandian” kaya tuluyan ng napaiyak at sumigaw na din*
Ayan ang telepono oh! Bakit hindi ka nagpadeliver kanina?! Nagugutom ka na pala hinintay mo pa ako! Pati ba naman pagkain mo iuutos mo pa sa akin! Bat di mo gamitin yang kamay mo!
Ayun. Parang ang bilis ng pangyayari. Nakita na lang niya na patakbong lumapit sa kanya ang kanina pang sumisigaw. Pagkalapit sa kanya hinablot nito ang basong hawak nya at sabay hampas sa kanya. Sabay ang napakalutong na mura. Hampas dito at batok doon. Gumanti na rin siya. Hinampas niya ang nakitang telepono. Pero no match ang lakas niya sa lakas nung isa.
Umakyat na lang siya sa kwarto humahagulgul. Bakit naman kasi naiwan na naman silang dalawa sa bahay. Wala naman siyang magawa. Naisipan niyang tawagan ang boypren niya. Nakaisang dosena na siyang subok sa pagtawag pero wala pa ring sumasagot. Siguro tulog na. Pagod na naman sa trabaho. Pero ok lang. Gusto lang niyang may makausap na siguradong nagmamahal sa kanya.
Tatayo sana siya para kumuha ng damit pambahay. Pero bumagsak siya dahil sa pagkahilo. Nakaramdam siya ng sobrang sakit sa ulo. Parang nagdidilim na nga ang paningin nya sa mga oras na yun. Lumabas siya ng bahay, pumara ng taxi. Nagpahatid siya sa doctor niya.
- The End -
***
Kanina pagkagising ko hindi ako makabangon sa sobrang sakit ng ulo ko, sa sobrang sakit ng katawan. May pumasok sa kwarto, lalaki. Binigyan ako ng gamot. Sinabihan ako ng konting paalala at mga dapat gawin. Pagkalabas niya, pumikit na ako para magpahinga ulit. Ngayon ang tanong ko..
Bakit ako may pasa?
P.S.
Ang saya naman ng first post ko dito sa bago kong bahay. Hmm. Magpalit na rin kaya ako ng bahay in real life?



February 6th, 2009 at 7:34 pm
*hugs* sissy..
grabe naman. grabe yang ginawa sayo ha!!!! grrrrr…
ok ka na ba? may sakit pa rin? *hugs* *hugs*
karmi
February 7th, 2009 at 9:28 am
Hi Vanny! I do hope you are okay now. That story above is very intriguing….
Please take care.
Josiet
February 7th, 2009 at 5:04 pm
Grabe naman Vanny.
Bakit naman ganun sya?
Anyway, congrats sa bago mong bahay. Kain ka ng madami palagi! Para malakas ang katawan!
ishna
February 7th, 2009 at 6:42 pm
Hi Ms. Vanny! i love your new blog! Especially the kidnap Post! How I wish I could go abroad again this days na mahirap ang buhay jujuju God bLess you and OK I’ll cross link this blog to Cavite Daily Photo!
STeven^^
Steven
February 7th, 2009 at 7:01 pm
napadpad ako dito sa blog mo mula sa isa sa mga pinoy blogs…
bakit ganun? parang ang hirap naman… why don’t you just move out?
Basti
February 7th, 2009 at 7:02 pm
uy. ganda ng bagong bahay ah. mas cheerful ang dating. at least maganda itong uwian pagkatapos ng maghapon, este, magdamagang trabaho. rest ka naman.
lawstude
February 7th, 2009 at 9:08 pm
Hey, vanny :] I’m so sorry. I hope you feel better naman when you blog about things ^_^ Hindi lang naman sayo nangyayari ang mga bagay na yan so I hope you don’t feel alone. Pray ka lang lagi, okay? ^_^
Rowss
February 7th, 2009 at 9:39 pm
anu baaa miss vanny!!! sino ba yan? hmf. sana okay kana. layas kana dyan! hehehe. anyways, my bgong site din ako. pki-update din ng link. :p
Shi
February 7th, 2009 at 9:41 pm
isa pa miss vannyyyy! ganda ng domain name mo! hahahaha!
)
Shi
February 7th, 2009 at 10:29 pm
tsk tsk tsk! c Hunnie mo nlng tanungin ko bout what happend..be safe *hugs*
(Linked u already)
choco
February 7th, 2009 at 10:35 pm
wow ganda ng bagong bahay mo Vany! Congrats mukhang magaling ang nag-design!
Dun sa story medyo naiyak ako dun sa babae…grabe naman yung Tatay nya(Teka tatay nya nga ba?). Pero matapang din siya, lumaban eh. Nice story, very real.
dennis villegas
February 7th, 2009 at 10:36 pm
I already added your new site to my blogroll! Thanks Vanny!
dennis villegas
February 8th, 2009 at 2:02 am
Cool lay out!
I read the post from start til fin, ikaw ba yung abused?
Kinonect the dots ko lang kasi. But Im hoping na sana e fiction lang to.
TC and God Bless!
Kris Jasper
February 8th, 2009 at 2:13 am
uy bagong timpla! ang galing ng tirada ng istorya!
para akong pumapasok sa eksena at naaninag ko ang pangyayari!
hope na kathang isip lang toh,kasi masakit pag may pasa!
ever
February 8th, 2009 at 12:54 pm
wish you luck on your Cebu trip!
I highly recommend that you visit The Terrace @ Ayala Center Cebu and The Walk @ Asiatown IT Park before you head to the pristine beaches of Cebu…
JedMeister
February 8th, 2009 at 1:08 pm
ha?! sobra naman yan! I hope you are OK now.
Btw ganda ng new blog mo, at least dito sunny at mukhang masaya
Lantaw
February 8th, 2009 at 1:41 pm
outch. grabe nga naman yun.. sana ok na you..pagaling ka
jeniffer
February 8th, 2009 at 10:36 pm
ui. cnu umayaw sau???
(nagtanong pa eh katxt naman na kita)
wala lang. para may maicomment lang
congrats sa bagong bahay! hahaha
yey! nanalo ang lifeisfullofbeaches hahaha
yeye
February 11th, 2009 at 12:04 am
hoping ur okay na.
tc.
teresa