Goodbye Na Nga Ba?
Posted on Jan 14, 2009 under Uncategorized | 18 CommentsNaisip ko lang, paano kaya kung hindi ako natutong mag blog? Umiiyak kaya ako sa mga oras na to gaya ng nangyayari ngayon?
Pano kaya kung hindi ko sinunod si B nung sinabi nyang bumalik na ako dito? Pano kaya kung hindi ako nagdere deretso sa tulay na itinuro nya sa akin? Paano kaya kung pinagpilitan kong sumama kay B nung nasa heaven kami? Paano kaya kung pinairal ko na naman ang pagiging matigas ang ulo at pagiging bratinella nung mga sandaling pinapabalik na nya ako pero pinagpipilitan kong manatili sa tabi nya?
Eh di sana hindi ko iniisip ngayon na paano kaya kung hindi ako natutong mag blog.
Anong koneksyon? Basta.
B, gaya ng sabi ko sayo nung dinalaw kita dyan sa heaven, hindi ako suicidal. Hindi ako quitter. Pero bakit mo sinabi sa akin na pag bumalik ako dito magiging maayos na lahat ng problema ko? Sabi mo magiging masaya na ako pag bumalik ako. Hindi naman pala. Ang daya daya mo. Sinabi mo lang pala yun kasi ayaw ko pang bumalik. Madaya ka.



January 16th, 2009 at 3:09 am
ikaw ang madaya sissy kapag iniwan mo kami..
kaya ka nagblog ay para makakilala ka ng mga taong magpapasaya sau.
at kami un!
magiging maayos lahat.
hello sissy, start pa lang ng 2009 noh! saka magkikita pa tau ulit. dapat! *hugs* karmi
January 16th, 2009 at 1:44 pm
wag ka na malungkot…. tama si mimay… umpisa palang ng 2009… magiging okay din ang lahat… wag mo na masyado isipin ang mga bagay na nagpapalungkot sayo, marami pa dyang bagay na pwede magpasaya sayo… baka hindi mo lang yun napapansin. =)
may natanggap ako award… at ipinapasa ko sa isang sexyng kagya mo.. =)
http://lalaine.gameops.net/2009/01/my-first-for-2009.html lalaine
January 16th, 2009 at 4:20 pm
Vanny. Yoy’re prolly going through a lot, pero after all that naman, ibang klase reward yung matatanggap mo. Ibang klaseng happiness. ganon naman palagi diba?
I know you will not give up. You seem like a really strng and smart and SEXY (ofcors) girl, so kaya mo yan!
basta magblog ka na lang!
Kaya nga natuto kang magblog diba? Para if you;re feeling really down, you can always let it all out here.
God bless, Vanny! Ishna Probinsyana
January 17th, 2009 at 2:35 am
Paano kaya kung di ko na click ang link sa blog mo galing sa Blographics blog in eli. Di sana ako naka pag comment ngayon..
Would this comment somehow make a difference? Siguro naman ako, kasi it will consume a few seconds of your life reading this comment. It would have been spent on someone else…
That’s the ripple effect of life..
Just enjoy and God Bless. Elyong
January 17th, 2009 at 2:45 pm
cheer up Vannygurl!
blogging is my therapy…kaya pag nawala ako sa blogging,ibig sabihin ay masaya ako??haha!
well,anyway,its good to blog and feel the love of your blog-friends. ghee
January 18th, 2009 at 4:21 am
hope everything will be okay miss V. we’re always here to read your posts. cheer up.
girlyfoxxx
January 19th, 2009 at 6:07 am
vannyyyyyyyyyyyyyy gisingggggggggg.. kneeko
January 20th, 2009 at 4:27 am
I still think we are happier to see you blog even despite the sad event that happened. Cheers young lady! Dennis Villegas
January 20th, 2009 at 7:35 am
tama si karmi. ikaw madaya pag iniwan mo kami.
may quote nga na “the more you give, the more you get contented and happy in this world”. siguro kailanagan mo pang iextend ang friends network mo. the donG
January 20th, 2009 at 2:08 pm
pssst! wag masyado magisip.
mamimiss mo ko. hehehe.
seryoso, tama sabi nila. wag na malungkot ha! kilitiin kita jan e. my-so-called-Quest
January 20th, 2009 at 2:48 pm
awww sissy. now ko lang nabasa to..
*hugs*
bsta magktxt na tau.
just pray na nawa maayos na ang lahat.
just blog. chat. and txt. dito lang kami sissy. i’m just a text away, k?:) yeye
January 20th, 2009 at 3:57 pm
hoy! darling, ano to? gusto mo bumalik ako ng phil para sabunutan ka lang?
tantanan mo yan ah.. we talked about this already. B will not be happy pag nalaman nya to.
at about sa blog issue.. keber. hmp! dont wana talk na.
tawagan na lang kita ulit bukas. lab ka namin. muah. sae
January 21st, 2009 at 12:14 pm
(tumbling) (ikot-ikot) (make-face) ayan lahat gawin ko mapasaya ka lang at wag mo kami iwan. sama ka na lan sa mga photoshoot namin. ikaw gawin namin subject. Lawstude
January 22nd, 2009 at 8:16 am
emo mood na naman ba ikaw vanny? sayng tlga noh, di tayo nagkita for the 3rd time na dito sa davao. next time ulit. im happy to know na okay ka na. nasa wala ng mga blog posts na ganito kasi u make me worry about you. ingatz always ha. olan
January 23rd, 2009 at 4:45 am
aba at mawawala ka? pano na ang mga tagasubaybay mo? eliment
January 24th, 2009 at 12:38 am
cheer up vanny!
everything will be alright..keep your faith,don’t give up.
*hugs* teresa
January 24th, 2009 at 5:12 am
hope everything is fine now, vanny. smile.
acey
January 29th, 2009 at 4:02 am
vanny…dito lang kami…paakap nga.. Rio